The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 14



NAGISING si Maggy na aandap-andap ang paghinga. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Parang nagwawala ang kanyang puso sa bilis ng tibok
niyon. Napasulyap siya sa digital clock sa bedside table. Alas-dos pa lang ng madaling-araw. It was another dream. But God... it felt real. Ilang araw
na siyang nakakapanaginip ng ganoon at madalas ay puro maiinit na eksena ang mga iyon.
Hindi niya alam kung dala lang iyon ng pinanood nila ni Clarice noong nakaraang linggo. Kung ano-ano ang pilit na ipinapanood nito sa kanya. May
comedy, drama, suspense, at horror. At nang mainip na ang kaibigan ay pilyang pinapanood siya ng porn sa pagkabigla niya. Natatandaan niya pa
ang paghagalpak nito ng tawa nang makita ang pagkagimbal niya sa mga napanood.
“Come on, Maggy. Bumabawi lang ako sa `yo,” nakangising sinabi ni Clarice. “Pinilit mo rin akong manood ng ganyan noong bago ako bumalik dito
sa bansa. That was a requirement as you told me before, towards a better way to lure someone—”
Kumunot ang noo ni Maggy. “A-ano’ng ibig mong sabihin?”
Naglaho ang bakas ng pagkaaliw sa mukha ni Clarice. “N-nagbibiro lang ako.” Nag-iwas ito ng mga mata sa kanya. “Kalimutan mo na lang ang mga
sinabi ko.”
Simula niyon ay kung ano-ano na ang mga napapanaginipan ni Maggy. Noong una ay malalabo pa ang mga mukha sa kanyang panaginip pero
pamilyar ang boses ng mga iyon sa kanya. Pero sa bawat paggising ay nalilimutan niya na kung kaninong boses ang narinig. Ang natatandaan niya
na lang ay ang mga eksena sa kanyang panaginip.
May mga naaaninag siyang naghahalikan sa loob ng isang kotse o `di kaya ay sa veranda. And then there were those images of two people making
love in the small kitchen, in the living room and now, in the bathroom. Pero ngayon niya lang nakita ang sarili at si Austin sa ganoong klaseng eksena
sa kanyang panaginip.
Nahihiya na rin siya sarili. Hindi niya alam kung dala lang ang mga iyon nang paglago ng nadarama para kay Austin, nang kagustuhan niyang
maramdaman uli ang mga labi nito sa kanya. Hindi niya na maintindihan ang sarili pero ang binata ang mas hindi niya maintindihan. He would cook
for her, give her roses and stuffs and take her out to dinner. Pero wala naman itong anumang sinasabi kung para saan ang mga iyon o sadyang lihim
na umaasa lang siya na may laman ang mga ginagawang iyon ng binata.
Every night, he would tuck her to bed. Ang binata pa nga ang unang bumubungad sa kanya sa bawat paggising niya. Kadalasan ay nasa kama niya
na ito, nakaupo at pinagmamasdan siya.
Napahugot si Maggy ng malalim na hininga at mayamaya ay niyakap ang sarili. Parang totoong-totoo ang mga haplos, halik, at yakap na
pinagsaluhan nila ni Austin sa kanyang panaginip. Noong gabi lang na iyon nagkaroon ng mga mukha ang kanyang panaginip. She saw a different
side of her in her dream. There, she was bold and daring.

Ayon sa isa sa mga nabasa niya noong nakaraang araw, ang panaginip daw minsan ay nagpapahiwatig ng mga bagay na sa likod na bahagi ng isip
ng isang tao ay ang pinakamimithi nitong mangyari. Napasinghap si Maggy sa naisip. Hindi yata at iyon ang gusto niyang mangyari sa kanila ng
binata kaya iyon ang napapanaginipan niya? Hindi yata at pinagnanasaan niya na ang kaibigan?
Sa naisip ay nagmamadaling hinugot niya ang robe na nakasampay sa headboard ng kanyang kama. Isinuot niya iyon at lumabas ng kanyang
kwarto. Kailangan niyang magpahangin para makatulong sa isip niyang hindi na kanais-nais ang itinatakbo. Nagpunta si Maggy sa pool area. Naupo
siya sa isa sa mga reclining chair doon at ipinikit ang mga mata.
“Interesado ka sa buhay niya, kaagad na nagliliwanag ang mukha mo kapag napag-uusapan siya at hinahanap-hanap mo rin siya. Hindi kaya mahal
mo na siya, ineng?” sinabi ng mayordoma sa mansiyon na si Nana Cora nang minsang magtanong si Maggy rito tungkol sa mga hilig ni Austin
habang hinihintay ang pagdating ng binata mula sa opisina nito.
“Mahal?” Kumunot ang noo ni Maggy. “Ganoon ho ba ‘yon?” Nang tumango ang matanda ay lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo. Hindi niya
alam ang pagmamahal bukod sa bihira niya ring marinig iyon kina Austin at Clarice. Pero alam niya na naiiba ang nararamdaman niya para kay
Austin.
Sa ilang beses na paglabas nila ng binata ay nakakita na rin siya ng iba’t ibang lalaki pero wala siyang naramdaman sa mga iyon na katulad ng
naramdaman niya para kay Austin. Noong una ay ipinagtataka iyon ni Maggy kaya hindi niya maiwasang titigan nang husto ang bawat lalaking
nakikita sa restaurant noong lumalabas sila ni Austin para malaman kung bibilis din ang tibok ng kanyang puso sa mga iyon.
“For heaven’s sake, I’m the one you’re with, Maggy.” Naalala niya ang naniningkit na mga matang sita na iyon sa kanya ni Austin nang iharap nito
ang mukha niya rito. “Sa akin ka lang dapat tumitingin. Ano ba’ng meron sa iba at para kang na-starstruck diyan? Be fair to me, all right?” bahagya
nang humina ang boses na sinabi nito. “Because I’m only looking at you.”
“Why?” naguguluhan nang tanong niya.
“Sa `yo na lang naman na talaga nakatuon ang mga mata ko sa unang beses pa lang nating pagkikita. I like reading your facial expression. It’s better
than reading a book.” Marahang ngumiti ang binata. “I could look at you the rest of our lives and I wouldn’t mind.”
Ganoon si Austin sa halos dalawang buwan na paninirahan ni Maggy sa mansiyon ng pamilya nito. Madalas na binubulabog ang puso niya sa mga
sinasabi nito. And he looked at her with such amazement and tenderness in his eyes every time. Bumuntong-hininga si Maggy sa naisip. Kung
nagkataong wala kaya siyang amnesia, paano siya magre-react sa nadarama niya?
“Napakaaga pa para mamroblema ka at bumuntong-hininga.” Agad na nagmulat si Maggy pagkarinig sa pamilyar na baritonong boses na iyon.
Napaunat din ang kanyang likod. Ni hindi niya namalayan ang paglapit ni Austin. “What’s bothering you, sweetheart?”

Napatitig siya kay Austin na nakasuot ng ternong puting pajama at sando. Naupo ang binata sa silya sa tabi niya. Bigla siyang nakadama ng tensiyon
kasabay ng pag-iinit ng kanyang mga pisngi nang maalala ang naging panaginip tungkol sa kanila ng binata. Pinaypayan niya ang sarili nang
makaramdam ng kung anong alinsangan. Tumayo siya at pumuwesto sa gilid ng swimming pool na may-kalayuan sa binata.
“Wala naman,” ani Maggy pagkaraan ng ilang sandali. “Hindi lang ako makatulog. Ikaw, bakit gising ka pa?”
“I’ve been having a hard time sleeping the very day you came here,” namamaos na sagot ng binata. “Kanina pa ako sa veranda. Nasilip kita rito kaya
bumaba na rin ako.” Para namang hindi nakaramdam na tumayo si Austin at tumabi uli kay Maggy. “Kumusta ka na? Kumusta ang pakiramdam mo?”
Natawa ito. “This is strange. Nakakasama kita pero ngayon ko lang naalalang itanong ‘yan sa `yo.”
Muling bumuntong-hininga si Maggy. “Honestly, I feel like all I do is to sit here as the whole world passes me by. Bawat isa sa bahay na ito, may
direksiyon. Bawat isa, alam ang gagawin. Samantalang ako heto, tuliro. Naliligaw. Dapat nasa Nevada ako dahil sabi n’yo noon ay ako ang
namamahala sa YCM Hotel and Resorts. Dapat hindi ko pinapaubaya kay Clarice ang pag-monitor niyon mula rito dahil mas gamay ko ‘yon. But
that’s just not the case.” Naipilig niya ang ulo sa pagbangon ng frustration. “I couldn’t even remember a single employee. I couldn’t remember what to
do. I could learn but I am afraid I’d just fail so many people.”
“Tatlo kayong may-ari ng YCM Hotel and Resorts, sweetheart.”
Sandaling natigilan si Maggy nang marinig uli ang endearment na iyon sa kanya ni Austin. Na-realize niyang gusto niya ang paraan ng pagtawag nito
sa kanya. Nakagagaan iyon sa kanyang pakiramdam dahil parati iyong may kalakip na pagsuyo. Masarap iyong pakinggan.
“You’ve been hands-on in handling your business for years now. Hayaan mo namang gawin ni Clarice ang bahagi niya. Maybe this whole thing
happened so you can take a rest for a while.”
“Pero paano ako?” Bumundol ang kaba sa puso ni Maggy. “Ano’ng gagawin ko?”
Nahuli niya ang magiliw na ngiti sa mga labi ni Austin nang lingunin ito. Titig na titig din ito sa kanya nang mga sandaling iyon. “Simple lang. Just live
life.”
“H-how do a person supposed to live life?” Napasinghap siya nang pumuwesto sa likuran niya ang binata.
“Like this,” ani Austin. Mayamaya ay itinulak si Maggy sa swimming pool. Dere-deretsong bumagsak siya sa tubig. Sumunod din ang binata at
tumalon doon.
Sisinghap-singhap na iniangat ni Maggy ang ulo at nagbabaga sa galit ang mga mata na hinarap ang binata na hindi namalayang nasa likuran niya
na pala. “How dare you! Bakit mo ginawa ‘yon? What if I didn’t know how to swim? What if—”

“Alam ko namang marunong ka. At masaya ako na isa ‘yon sa mga bagay na hindi mo nalimutan. You instinctively know how to swim.” Puno ng
pagmamalaki ang anyong ngumiti si Austin. “Come on, sweetheart. This is life. It’s really made for surprises,” dagdag pa nito bago sinakop ang mga
labi niya.
Nagulantang si Maggy. Hinapit siya ng binata sa kanyang baywang kasabay ng pagdikit ng katawan nito sa kanya. He was kissing her as if time was
his best friend, as if he had enough of it in his own hands.
Puno ng lambing ang halik ni Austin pero damang-dama niya rin ang init sa likod niyon. Ipinikit niya ang mga mata kasabay ng pag-akyat ng mga
kamay niya sa mga balikat ng binata. And slowly, she responded in his kisses. She had been longing to taste his lips again for weeks now. Pero
mayamaya lang ay huminto rin ang binata at bahagyang lumayo sa kanya. Nadidismayang dumilat siya. Sumalubong sa kanya ang para bang
amused na anyo nito. Pinaglalaruan lang ba siya nito?
Napu-frustrate na itinulak ni Maggy si Austin sa dibdib. “Bakit mo ba ginagawa ito? Nakakainis ka na. Hindi kita maintindihan. Pinaglalaruan mo lang
ba ako dahil sa sitwasyon ko ngayon—”
“Kahit kailan, hinding-hindi kita paglalaruan, Maggy. I was just happy that kissing was not one of the things you’ve forgotten,” seryoso na uli ang anyo
na sagot ni Austin. “Pasensiya ka na kung naguguluhan ka sa mga pangyayari. Plano ko talagang ligawan ka. But I want to make things slow. Para
hindi ka mabigla.”
“W-what? Why?”
“I love you, sweetheart. I love you so much.” Ikinulong ni Austin ang mga pisngi ni Maggy sa mga maiinit na palad nito. “Loving you is like throwing
myself on fire. I know I’d burn. I know I’d get hurt. But still, I let myself fall. Dahil sa kabila ng lahat, ikaw ang kaligayahan ko. You are the cure to the
burn as well. And if being with you meant burning every single day, every single moment, then so let me burn... merrily.”
“I... I don’t really understand—”
“You don’t have to understand anything, sweetheart.” Marahang ngumiti si Austin. Nangingislap ang mga mata nito. “Now, I urge you to follow your
heart. What do you feel in this very minute?”
Sandaling nakagat ni Maggy nang mariin ang ibabang labi bago dahan-dahang gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Bigla,
pakiramdam niya ay binalot ng init at saya ang puso niya sanhi ng mga narinig mula kay Austin. “I... I think I’ve fallen for you, too.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.