The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 12



“WHAT was I like... before the amnesia?” naitanong ni Maggy sa kalagitnaan ng panonood nila ng sine ni Austin. Comedy ang tema ng palabas pero
hindi niya magawang mag-enjoy sa pelikula. Napakarami niyang tanong tungkol sa sarili. Napakarami niyang ipinag-aalala. She didn’t know how to
start rebuilding a sense of self-identity.
“Ikaw si Maggy de Lara. You’re twenty-nine years old, and you’re the Chief Operations Manager of YCM or Yalena, Clarice, and Maggy’s Hotel and
Resorts,” naalala niyang sinabi ng nagpakilalang Clarice noong nasa ospital pa siya. “We’re the best of friends, Maggy. At nagpunta ka rito sa
Pilipinas para—”
“Para magbakasyon,” biglang pagsabad ni Austin.
Kumabog ang dibdib ni Maggy nang makita ang binata. Noong araw na magising siya, noong akala niya ay katapusan na ng mundo dahil wala siya
anumang maalala tungkol sa sarili, nakita niya ito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero naramdaman niyang kakaiba ang lalaki, kakaiba sa
mag-asawang Clarice at Alano, kakaiba sa doktor at mga nurses. There was something different with the way Austin looked at her that calmed her.
Bukod doon ay sa binata lang tumitibok nang mabilis ang puso niya, isang bagay na sobra niyang ipinagtataka.
“Tagarito ka talaga. But sixteen years ago, you went to Nevada City with Harry, Clarice and Yalena—”
Kumunot ang noo ni Maggy. “Bakit kami pumunta roon? At saan ‘yon? Sino si Yalena? Sino si Harry?”
“Dahan-dahan lang, mahina ang kalaban.” May himig pagbibiro sa boses ni Austin bago ito naupo sa tabi niya sa kama. Hinalikan siya nito sa noo.
Sandali siyang natigilan. It felt strangely good to have him this near her much more, to be kissed by him that way.
“Tito ninyo sa father side si Harry. Magkakasabay niya kayong kinupkop nina Yalena at Clarice. At si Yalena, kakambal mo siya. Hindi nga lang siya
makakapunta pa rito sa ngayon dahil may kaso pa siyang inaasikaso sa Nevada.” Napahaplos sa batok nito si Austin nang siguro ay mabasa ang
piping tanong sa mga mata niya. “And Nevada is in California. Sa ibang bansa `yon, sweetheart. Hindi pa namin nasasabi kay Yalena kung ano ang
nangyari sa `yo. Your sister is a lawyer.”
Nang muling kumunot ang noo ni Maggy ay sandaling naisuklay ni Austin ang mga daliri sa buhok nito bago ngumiti. “Lawyers are the practioner of
laws. While laws are the orders that we are oblige to follow. They are an organic rule, a constitution or something like that. Kaya hindi pa namin
nasasabi sa kanya ay baka ma-distract siya sa hinahawakan niyang kaso. We hope you understand, Maggy. For the meantime, pagtiyagaan mo na
muna ang presence namin ni Clarice.”
Tumango-tango si Maggy kahit pa nalilito pa rin. “Nasaan si Uncle Harry? Bukod kay Yalena, wala na ba akong ibang... kapamilya?”
Nagkatinginan sina Austin at Clarice bago sumagot ang binata. “I’m sorry, sweetheart, pero wala na ang Uncle Harry mo. Gano’n din ang mga
magulang mo.” Napahugot ito ng malalim na hininga. “Your parents died in a car accident. But you had a happy childhood, Maggy. Naikwento mo

‘yon sa akin noon.” Ngumiti ito. “You lived a wonderful life. Ikaw ang pinakamasayahing taong nakilala ko. You always have this positive disposition.
Parati kang may nakahandang ngiti para sa mga taong nakikilala mo.”
Napasinghap si Clarice. Habang si Maggy naman ay pinilit na kumapit sa mga salita ni Austin. “Talaga? How about us? Paano tayo naging
magkaibigan?”
“Nagkakilala tayo sa isang restaurant. I approached you first. You were friendly.” Muling nag-iwas ng mga mata si Austin bago ibinalik ang tingin sa
kanya pagkaraan ng ilang segundo. “Mahigit kalahating taon na tayong magkaibigan ngayon.”
“Mahigit kalahating taon...” Bumuntong-hininga si Maggy. “Is that short or long enough?”
Tumikhim si Austin. “Mahaba-haba na rin siguro. Because you were able to meet my parents already.”
“Oh. And how was that encounter?” Habang kausap ni Maggy si Austin ay nakaramdam siya ng matinding panghihinayang. Mukhang masasaya at
magaganda ang mga alaala nila ni Austin pero nalimutan niya nang lahat iyon. Tuwing sinisikap niyang hagilapin sa isip ang mga iyon ay tumitindi
lang ang pangingirot ng kanyang ulo.
“You had... f-fun. You liked my parents. They liked you, too. It was perfect.”
Napayuko si Maggy. “Pasensiya ka na kung nakalimutan ko pati ‘yon. Those are the things I know I should remember.”
Nang hindi makasagot sinuman kina Clarice at Austin ay nag-angat siya ng mukha. Nahuli niya ang pagtalikod ng kaibigan. Puno naman ng hindi
niya mapangalanang emosyon ang mga mata ni Austin. Walang sali-salitang niyakap siya ng binata. Bahagya siyang napangiti sa kabila ng para
bang pagdagundong ng kanyang dibdib. “We’re this close before?”
“Yes,” halos pabulong na sagot ni Austin. “In fact, we are more than this close.”
“You were amazing, Maggy. You were playful at times. Matulungin ka rin sa kapwa mo,” nahinto sa pagbabalik-tanaw si Maggy nang marinig ang
namamaos na sagot na iyon ni Austin. “You believe in God. You believe in all the good things.”
“AUSTIN, what the hell are you doing? You’re misleading Maggy!” Naglaro sa isip ni Austin na galit na galit na sinabi ni Clarice paglabas niya sa
hospital room ng nakatulog nang si Maggy. The latter was treated for severe concussion. Bukas ay pwede na nila itong iuwi ayon sa doktor.
Napag-usapan na nila ni Maggy ang tungkol sa bagay na iyon. Pumayag ang dalaga sa suggestion niyang sa mansiyon na muna ng kanyang
pamilya manirahan pansamantala para mas mabantayan ang kalagayan nito. Doon ay mapapanatag din siya dahil mas masisiguro ang seguridad ng
dalaga lalo na ngayong hindi pa nahuhuli ang taong nagtangkang pumatay dito.

Nasa Davao ang Kuya Ansel niya para asikasuhin ang power plant nila roon kaya hindi gaanong maaalarma si Maggy sa mga taong
makakasalamuha nito. Mabuti na lang at kahit paano ay mukhang nakukuha niya na uli ang loob ng girlfriend. Ilag pa rin ito kay Clarice kaya
nababagabag ang huli.
Maggy had lost everything historical as well. Nang buksan ni Austin ang telebisyon sa kwarto nito ay wala itong maalala isa man sa mga tao roon.
Wala na itong idea tungkol sa pulitika, sa mga lugar doon, sa mga makasaysayang pangyayari sa bansa at sa iba pang mga bagay. Nagdala man si
Clarice ng mga litrato na kasama si Maggy at Yalena pati na ang mga magulang ng mga ito ay wala pa rin daw maramdamang familiarity si Maggy sa
mga nakita.
“You told her the opposite things about herself!” nanggigigil na sinabi pa ni Clarice. “How will those trigger her memories back?”
“At ano ang gusto mong gawin ko? Ipaalala pa sa kanya ang masasakit na nakaraan kahit na ngayong may pagkakataon na siya para kalimutan ang
mga ‘yon? Her revenge was the reason why she almost died in the accident, Clarice. If it wasn’t because of that, she wouldn’t have left me that
morning,” mahina pero may diin sa boses na sagot ni Austin. “Kung gusto mo, ikaw mismo ang magtapat ng katotohanan sa kanya. If you’re brave
enough, then confess everything to her. Bring back her pain. Bring back her nightmares.”
Natigilan si Clarice.
Alam ni Austin na mali na rin kung tutuusin ang ginagawa niya. Tama si Clarice. Dahil talagang sinasadya niyang ibahin ang mga impormasyon na
sinasabi kay Maggy. Dahil ayaw niya nang bumalik pa ang mga alaala nito. He didn’t want her to live in pain once more. Ayaw niya nang ipaalala pa
sa dalaga na kagagawan ng ama niya ang kamiserablehan na pinagdaanan nito. Gusto niyang mamuhay ito nang normal. Gusto niyang magsimula
ito uli.
Iyon na ang iniisip niya mula pa nang magising si Maggy noong nagdaang araw. Maybe Maggy’s amnesia was God’s means to make her start afresh
because she had been carrying so much burdens in her heart for the past sixteen years. Bukod pa roon ay nag-aalala rin si Austin na sa oras na
makaalala na ang dalaga ay muli itong magtangkang lumayo sa kanya.
“Hindi mo rin magawa, `di ba? Dahil mahirap. Dahil sa katotohanan na `yan kaya hindi kami pupwede noong wala pa siyang amnesia.” Naihilamos
niya ang mga palad sa mukha. Mayamaya ay determinadong sinalubong niya ang mga mata ni Clarice. “Pero itutuloy-tuloy ko na ito. Nakahanda
akong tanggapin ang galit ni Maggy sa oras na makaalala na siya. Sabihin mo nang makasarili ako o isang malaking kalokohan ito pero
sasamantalahin ko na ang pagkakataon.
“If life is not going to give Maggy and I a fairy tale, then I’ll create one for the two of us, a kind of life that she and I are supposed to have if only dad
didn’t ruin everything. Dahil magkasama naman talaga dapat kami ni Maggy, Clarice. Dahil mahal namin ang isa’t isa. Hinadlangan lang ‘yon ng
pagiging McClennan ko.”
“Austin—”

“Ngayong wala ang mga alaala niya, walang apelyidong mahalaga,” parang walang narinig na pagpapatuloy ni Austin. “Walang nakaraan na
nakasasakit. Walang mga magulang na nadawit at nasaktan.” Nag-init ang mga mata niya. “Pagkakataon na namin ito ni Maggy na magkasama. At
ngayon lang ito habang may amnesia pa siya. Dahil sa oras na makaalala siya, manunumbalik na naman ang sakit. At manunumbalik din kami sa
totoong kwento namin.”
That afternoon, he left Clarice speechless with her eyes that he knew, were close to crying.
“NAGING mabuting kaibigan ba ako sa `yo?”
Mula sa pinapanood ni Austin na hindi naman talaga pumapasok sa kanyang isip ay nilingon niya si Maggy. Ngumiti ito nang mahuli niyang nakatitig
sa kanya. Marahas na napahinga siya. Kahit sa simpleng ayos at kasuotan ng dalaga ay lutang pa rin ang ganda nito.
Pinilit niya lang si Maggy na lumabas. Simula nang dalhin niya ito sa bahay dalawang araw pa lang ang nakararaan ay natatakot na itong lumabas.
Nagkukulong lang ito lagi sa kwarto. At hindi dapat ganoon ang ginagawa nito. She was supposed to enjoy life.
Malinaw na nakarehistro pa rin ang pagkabahala sa mga mata ni Maggy. Pero mas mainam nang nababasa iyon ni Austin kaysa noong wala pa itong
amnesia na hindi niya mahulaan kung ano ang nadarama nito dahil sa husay nito sa pagtatago ng mga emosyon.
“I must have been a good friend for you to care for me this much,” mayamaya ay dagdag pa ni Maggy. “Maraming salamat sa lahat, Austin. Hindi ko
alam kung ano’ng gagawin ko kung wala ka. I’m glad you’re here beside me. With you, I somehow find peace.”
Dahil mahal mo ako, bulong ng puso ni Austin. At mahal din kita, Maggy. Sobra. I don’t even know if I can ever forgive my Dad for everything you’ve
gone through because of him. Just thinking how you suffered for the past years makes me want to forget my family.
Nang makita niya ang pagbagsak ng mga luha ni Maggy ay inilapit niya na ang sarili rito. Buong pagmamahal na ipinaharap niya ang mukha nito sa
direksiyon niya. Sa liwanag na nagmumula sa higanteng screen sa kanilang harap ay nakita niya ang pagdaan ng pagkagulat sa namamasang mga
mata ng dalaga. Para bang may sumipa sa dibdib niya na kung ano. Mula noon hanggang ngayon, nagdurusa pa rin ang babaeng mahal niya.
Hinaplos ni Austin ang mga pisngi ni Maggy at nang hindi na mapigilan ang sarili ay hinalikan niya ito sa mga labi. He closed his eyes before he
allowed his tears to fall. Kung ang lohikal na bahagi ng isip ang paiiralin ay gugustuhin niyang bumalik na ang alaala ng dalaga para mapawi na ang
takot at mga agam-agam nito pero kasabay niyon ay nakatakda na namang mawala ito sa buhay niya.
Kung sana ay kayang hugasan ng pagmamahal niya ang mga kasalanan ng kanyang ama sa dalaga... siguro ay naiba kahit paano ang mga buhay
nila.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.